Matapos na makapagtala ng zero covid cases ang Hongkong ay isa na ito sa may pinakamalalang kaso ng covid-19 sa buong mundo.
Ayon kay Bombo International News Correspondent na si Marlon Pantat De Guzman na sa ngayon ay nararanasan na ang fifth wave ng covid sa kanilang lugar.
Sa ngayon ay halos 3,000 katao ang namatay at mahigit kalahating milyon ang nahawahan
Aniya na malaki rin umanong factor sa pagtaas ng kaso ng naturang virus ay dahil sa kasalukuyang nararanasang panahon.
Dagdag rin nito na dahil sa naidadatos na local transmission ay hirap ang kanilang gobyerno na matrace kung saan ang naging primary cause ng virus.
Sa kabilang dako ay sinabi naman nitong kampante na ang mga Pilipinong nagpopositibo ng naturang virus sa hongkong kung saan ay patuloy umano ang pakikipagugnayan at pagbibigay ng tulong ng gobyerno ng Pilipinas.
Pahayag naman ni Bombo International News Correspondent na si Marylou Borra na ang pawang nahahawaan ng covid virus ay mga senior citizens na hindi pa nababakunahan o yung mga hindi pa nakukumpleto ng covid vaccine.
Pagsasaad nito na ilan pa kasi sa mga residente ang magpahanggang sa ngayon ay tumatanggi sa bakuna. Pangamba rin aniya ang lockdown na maipapatupad kung magpapatuloy sa libo-libong kaso ng covid ang maitatala sa oras na maisagawa ng mass testing sa buwan ng Abril.
Ang omicron pa rin aniya ang nagiging dominant variant ng covid sa kanilang lugar.