DAGUPAN, CITY— “Hindi hadlang ang edad at kahirapan sa pag-abot ng mga pangarap!”


Ito ang kabuuan ng naging estorya sa pagkamit ng tagumpay ni Thomas Jefferson Fernando, 33 taong gulang mula sa Pangasinan State University- Asingan campus sa pagkamit nito sa pangatlong pwesto sa mga listahan ng mga topnotchers ng January 2022 Licensure Examination for Teachers (LET) Elementary level.


Ayon kay Fernando, malaking tulong umano sa kanyang tagumpay sa naturang board examination ang kanyang pananalig sa Panginoon, gabay ng kanyang pamilya, pamunuaan ng PSU-Asingan at motibasyon ng magsilbi para sa bayan.

--Ads--


Sa kabila ng mga pinagdaanan nito hirap mula sa pagiging isang working student, nahuli mula sa pagpasok sa kolehiyo, at maging ang pagkakapostpone ng 4 na beses ng naturang eksaminasyon ay hindi umano siya nagpatinag para makamit ang kanyang mithiin na maging isang propesyonal na guro.


Aniya, ikinagulat din nito ang kanyang pagkakabilang sa mga nanguna sa naturang pagsusulit lalo na at wala umano itong nakamit na mga academic recognition ngunit kanya umano itong pinagpapasalamat dahil isa itong magandang pagkakataon para maging inspirasyon sa mga kabataan na may pangarap sa kabila man ng kanilang kinakaharap na mga pagsubok.


Sa ngayon ay nais munang pag-isipan ni Fernado ang mga magagandang oppurtunidad para sa kanya matapos ang kanyang eksaminasyon.