DAGUPAN, CITY— “Looking forward” na ang lungsod ng Dagupan para sa pamumuhay sa new normal dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ito ang pahayag ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, sa pagbisita ni Presidential adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon sa Pandaragupan ed Barangay Vaccination Site sa Lucao Elementary School.
Ayon kay Lim, dahil sa pag-abot ng lungsod ng Dagupan sa higit 100 poryento ang naging vaccination rate kontra COVID-19, naging maganda rin ang naging katayuan ng siyudad sa pagtugon sa COVID-19 kaya naman magiging mas opurtunidad din ito para sa muling pagbangon ng ekonomiya at komersyo.
Aniya, bagaman nagiging problema ngayon ang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa Russia-Ukraine war, kinakailangan ng combine ideas mula sa iba’t ibang mga opisyal at mga mangagagawa para makagawa ng mas maraming economic oppurtunities sa lungsod, sa probinsya at maging sa rehiyon 1.
Dagdag pa ni Lim, dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso sa siyudad, nakipag-usap na rin umano sila sa Department of Education (DEPED) upang makapasok na ang mga estudyante sa paaralan dahil sa malaking bilang ng mga nabakunahan ng kanilang pediatric vaccination.
Bukod dito na-endorso na rin umano nila ang pagkakaroon ng selebrasyon ng bangus festival ngayong taon. (with reports from: Bombo Framy Sabado)