Umaaray na ang mga tsuper sa mga pampasaherong sasakyan, sa sunod-sunod na taas presyo ng gasolina kung saan ngatong araw ay naitala ang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon kay Joey Hondrado, Isang tricycle driver na noong mga nakaraang araw ay hindi pa gaanong mataas ang presyo ng gasolina dahilan ng pagkakagulat din nito sa biglaang bulusok nito.

Panawagan naman nito na, sana’y matutukan ng pamahalaan kung paano mareresolba ang matagal nang problemang ito.

--Ads--

Bagamat tiwala sa magandang epekto nito ang pagbibigay subsidiya sa transport groups, umaasa ito na mapasama sa mabibigyan ng ayuda ang tricycle sector,dahil noong nakaraang pagbibigay ng subsidiya,

Aniya mas natututukan lamang ang hanay ng bus at jeepney operators.

Samantala iniinda din nito ang kanyang kinilita dahil hirap na nga sa pamamasada at maliit na ang kita mas lalo pa umanong liliit ang kita dahil sa pagtaas ng produktong petrolyo.


Daing nito na hindi pa sila nakaabawi sa nagdaanang pandemya kung kaya’t dagdag pasakit lamag umano ang sunod-sunod na taas presyo ng produktong petrolyo

TINIG NI JOEY HONDRADO

Imbes 300 pesos naman Ang kinikita sa pamamasada Ngayon ay 200 na lamang na isang malaking kabawasan para sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Wala na umano itong magagawa kundi magtipid o maghigpit ng sintron, hanggang magkaroon ng solusyon ang pamahalaan kung anong maganda programa ang kanilang gagawin para sa ikabubuti ng transport sectors at kanilang pamilya.