Hindi ang Russia ang dapat na ituring kontrabida sa nagiging girian sa pagitan nila ng bansang Ukraine.

Ito ang nais ipahayag ni Bombo International News Correspondent Genevive Dignadice mula sa Moscow, Russia kung saan sinabi nitong ang mga ipinapalabas na mga ulat mula sa Western Media ay ang kanilang bansa ay pasimuno ng karahasan pero hinid aniya ito ang katotohanan.

Base na rin umano sa naging karanasan ito na naging mabuti ang pagtrato ng Russia sa kanilang mga Pilipino.

--Ads--

Malaki rin umano ang pagpahalaga ng gobyerno sa mga tao kung saan bago pa sila nagpahayag na sila ay pupunta sa Kyiv ay nagabiso na sila sa mga residente roon at sila ay pinarerelocate upang sila ay maging ligtas. Pero mas pinili umano nila ang manatili roon.

Dagdag rin nito na hindi patas ang ginagawang hakbang ng Ukraine na pakikipagusap sa NATO habang patuloy ang usapin sa Russia.

TINIG NI GENEVIVE DIGNADICE

Dapat aniya ay kausapin ng NATO ang Russia at hindi nito mas hinihimok pa ang Ukraine na lumaban sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karagdagan pang armas. Mas inuudyok lamang umano ng NATO ang Ukraine na sumuuong sa giyera imbes na magkaroon ng kapayapaan.

Nilinaw din nitong hindi ‘invasion’ ang nais ni Russian President Vladimir Putin bagkos ay upang sirain ang mga military funded facilities na naitayo sa sentro ng Ukraine na Kyiv upang hindi maging banta sa seguridad ng kanilan pamahalaan.

Hiniling naman nito sa publiko na magkaroon ng sapat impormasyon ukol sa nangyayaring girian at huwag agad ipukol sa Russia na sila ang dahilan ng giyera.

TINIG NI GENEVIVE DIGNADICE