Aabot na sa 14,000 ektarya ang nasunog sa naitalang wildfire sa South Korea.
Ayon kay Bombo International news correspondent Bev Fandino mula sa South Korea, pinakamalaking sunog ito sa loob ng dalawamput dalawang taon sa nasabing bansa.
Sinabi ni Fandino na nasa 460 facilities ang nasira kasama ang mga bahay at gusali at mahigit pitung libong mamamayan ang inilikas na.
Naging maagap naman ang mga bumbero at wala namang naitalang mga nasawi.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog pero may isang katao umanong inaresto na hinihinalang may kagagawan ng sunog.
Pero may mga ispikulasyon din na sinadya ang sunog upang sirain ang nakatakdang halalan sa Miyerkules.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ang kabuuang pinsala ng sunog.
Samantala, personal na tinungo ni South Korean pres Moon Jae-in ang lugar at nangako ng tulong sa mga naapektuhan ng sunog.