Patuloy ang pagbibigay suporta ng Amerika sa Taiwan sa gitna ng posibleng pag-atake ng China.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Jason Baulinao, linggo-linggo silang nakakatatanggap ng tulong mula sa Amerika at bukas din itong nakikiisa sa kanilang gobyerno sa usapin ng pag-angkin ng China sa kanilang kalayaan.
Matatandaang bumisita noong nakaraang linggo si dating Trump administration Secretary of State Mike Pompeo sa Taiwan kung saan ito ay nakipagpulong kay Taiwan President Tsai Ing-wen at Vice President William Lai.
Aniya tiwala ito sa kanilang gobyerno na magiging malakas ang depensa laban sa China kung sakaling mauwi ito sa pwersang pananakop.
Dagdag rin nito na ilang mga bansa na rin ang naglahad ng kanilang pagsuporta sa Taiwan laban sa girian sa China.
Samantala sinabi rin nitong na hindi nakikialam ang gobyerno ng Taiwan sa anumang isinasagawang transaksyon sa iba’t ibang bansa lalong lalo na sa Russia na sa ngayo’y kumukobkob sa bansang Ukraine.