Hiling ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pansamantalang suspension sa pagpataw ng mabigat na oil taxes sa mga produktong petrolyo upang mabawasan ang pasanin ng mga driver at operator sa sunod sunod na nararanasang oil price hike.

Ayon kay George San Mateo, Presidente ng PISTON, matagal na nila itong iminumungkahi simula ng tumaas ang presyo ng petrolyo dahil sa ilalim ng train law nag impose ng 10 pesos per liter na excise tax sa gasolina at 6 pesos naman sa diesel at hindi pa kasali doon ang value added tax.

Base umano sa kanilang pagaaral, kung sususpendihin ang VAT at excise tax sa langis ay kayang matapyasan ng hanggang 20 pesos sa gasolina habang 13-15 pesos naman ang mababawas sa presyo ng diesel.

--Ads--

Magiging malaking kabawasan na ito sa mga tsuper sa halip na magbigay ng pantawid pasada o anumang ayuda dahil hindi naman nakakatanggap lahat at kung minsan ay nagreresulta pa sa away ng driver at operator.

George San Mateo, PISTON President

Aniya, bagamat hindi sila kabilang sa mga transport group ay kanila namang nirerespeto ang kanilang panawagan sa fare increase ngunit mungkahi nila na mas magbebenipisyo ang mga driver pati ang mga konsyumer kung aaprubahan ang pansamantalang suspension sa pagpataw ng oil taxes at maiiwasan din ang taas pasahe na magpapahirap din naman sa mga commuters.