Malaki ang posibilidad na sumiklab ang ikatlong pandaigidigang digmaan sa oras na tuluyang magsagawa ng direktang hakbang ang NATO para tulungan ang bansang Ukraine sa patuloy na pagsakop ng Russia.

Ayon kay Lucio Blanco Pitlo III na isang Foreign Affairs and Security Analyst na kung magpapadala ng mga sundalo ang NATO ay tiyak na mas lalawak pa ang kaguluhan sa kanila ng Russia.

Sa ngayon aniya ay tumutulong ang NATO sa Ukraine sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga armas para madepensahan ang kanilang bansa.

--Ads--

Aniya isa ring factor rin umano ang sa malaking digmaan ay kung papalawakin pa ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang pag-atake sa mga karatig bansa ng Ukraine.

Dagdag nito na nararapat lamang ang pagpapataw ng sanctions sa naging hakbang ng Russia upang hindi ito maging inspirasyon ng iba’t ibang bansang may sigalot sa karatig lugar.

Sa ngayon ay hindi umano nababahala si Putin sa mga ipinapataw na parusa laban sa kaniya at hindi na bago ito sa kaniya kung saan ay napatawan na rin ito ng sanction dahil pa rin sa pagkubkob sa Ukraine.

TINIG NI LUCIO BLANCO PITLO III

Sa oras aniya na magkaroon ng usapin sa pagitan Russia at Nato maging sa Russia at Ukraine ay tiyak na magkakaroon ng diplomasiya at maiiwasan ang malawakang giyera.