Nangangamba ang ilang mga Pilipino sa posibilidad na forced repatriation sa kanilang mga mangagawa sa Russia kung magpapatuloy ang panggigipit ng ibang mga bansa sa Russia.
Ayon kay Bombo International News Correposndent Genevive Dignadice na malaki ang posibilidad na sa patuloy na pagpataw ng mga parusa sa Russia na naglilimita sa pagkatoon nila ng transaksyon sa ibang mga bansa, ay tiyak na pipiliin ng kanilang bansa na limitahan ang paggastos.
Kung kaya’t nababahala sila na mapagdesisyunang mapauwi silang mga Pilipino sa Pilipinas.
Dagdag nito na apektado na rin ang ilang mga residente ng Russia sa naging hakbang ni Russian President Vladimir Putin na tuluyang sakupin ang Ukraine na bukod sa pagkakaroon ng restriksyon sa paggamit ng mga social media applications ay naitala ang mataas na palitan ng pera.
Aniya apektado na rin umano ang ilang mga transaksyon sa bangko kung saan ay inaasahang hindi na sila makakagamit ng kani-kanilang atm na magreresulta umano ng problema sa pagpapadala ng pera sa mga kaanak nila sa PIlipinas.
Sa ngayon ay patuloy numano ang pakikipagugnayan ng gobyerno ng Pilipinas sa kanila upang matulungan silang mailikas sa ibang lugar.