Nababahala ang ilang mga Pilipino sa Ukraine sa naglalabasang ulat ng paglusob ng pwersa ng Russia.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Joy Tolentino na normal pa rin ang kanilang kalagayan at wala umanong nararamdamang pag-atake ng Russia sa kanilang lugar Kyiv, na sentro ng naturang bansa.
Tuloy-tuloy din aniya ang buhay ng bawat residente roon dahil at wala rin umanong naitatalang pagsasara ng mag establisyemento.
Naisasagawa pa rin umano ang face to face classes ng mga estudyante at nakapagtratrabaho pa rin ang bawat tao.
Aniya may mga sundalo nang ipiandala ang kanilang pamahalaan upang mapigilan ang pagpasok pa ng pwersa ng Russia sa kanilang lugar.
Tiwala rin umano ito sa gobyerno ng Ukraine na mapipigilan ang anumang pag-atake gayundin ang kahandaan ng pamahalaan ng Pilipinas na sila ay maproprotektahan sa anumang sitwasyong kanilang kaakaharapin.