Sarado na sa diplomasya ang Russia at maituturing ng invasion sa Ukraine ang hakbang na isinasagawa ng pwersa ng Russia.
Ito ang ipinahayag ni Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera sa panibagong hakbang ng Russian President Vladimir Putin kung saan unti-unti nang ipinaparamdam ng ang Russian revengism sa buong mundo.
Dapat liwanagin umano nito ang pagpasok sa breakway region kung saan kinilala ni Putin noong Lunes ang mga rehiyong Donetsk at Lugansk na hawak ng separatist ng silangan ng Ukraine bilang independent at nilagdaan ang mga kasunduan sa kanila, na nagbubukas ng pinto para sa presensya ng militar ng Russia sa bansang suportado ng Kanluran.
Ninanais din umano nitong mapabilang sa may pinakamalakas na bansa sa buong mundo at gusto nitong maipakita sa lahat na hindi lamang ang Amerika ang nangunguna.
Aniya kinakailangan na rin umanong kondenahin ng iba’t ibang bansa ang isiansagawa nilang hakbang upang tuluyang mapigilan ang ‘invasion’ nito sa bansang Ukraine.
Dagdag nito na hindi umano sapat ang sanctions na ipinapataw sa Russia bagkos ay dapat mas pagpapaigting sa batas ang dapat na mangingibabaw.
Matatandaang nagpataw ang Amerika ng “first tranche” ng sanctions laban sa Russia, ito ay ang pagharang niya sa kalakalan ng dalawang malalaking bangko – ang VEB at Russian Military Bank at pagputol sa ilang bahagi ng Russian economy mula sa international financial systems