Umaabot sa 69 na katao ang nahuli kasama ang dalawang punong barangay sa ginanap na raid ng mga kasapi ng CIDG Pangasinan sa cockpit arena sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Ayon kay Pol.lt. col. Bernouli Abalos, provincial chief ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Pangasinan, nakaditini ang mga ito ngayon sa tanggapan ng CIDG at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw.

Sinabi ni Abalos na niraid nila ang nasabing Cockpit Arena dahil sa kakulangan ng kaokolang dokumento. Hindi umano nasunod ng sabungan ang IATF Protocol.

--Ads--

Nilinaw ni Abalos na pinapayagan naman ang pagpapalaro o sabong basta masunod ang inilatag na IATF protocol, at kumpleto ang dokumento gaya ng municipal o city permit at may pahintulot ng game and amusement board.

Pol.lt. col. Bernouli Abalos, provincial chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pangasinan

Samantala, palalayain naman ang mga nahuli kapag sila ay makapagbayad ng piyansa.