Matagumpay at napaghandaan ng maayos ng bansang China ang naging kabuuan ng 2022 Winter Olympics.

Ayon kay Bombo International Correspondent Desiree Aglasi, sa kabuuan ng naturang paligsahan, ligtas at matagumpay ang pagdaraos ng mga laro sa kabila man ng banta ng COVID-19.

Aniya, sa pagtatapos ng winter olympics, naging makulay at traditional ang isinagawang closing ceremony at naipakita ang mayabong na kultura ng host country.

--Ads--

Present din sa pagtatapos ng naturang torneyo sina International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach at Chinese President Xi Jinping.

Naging highlight naman ng naturang seremonya ang pagpasa ng Olympic flag sa magiging susunod na host ng winter olympics, ang Milan Italy sa taong 2026.

Samantala, sa panig naman ni Bombo International Correspondent Sarah Cuanggey, nag-enjoy at tila nabitin pa ang mga athletes at volunteers sa naturang patimpalak.

Saad niya, naging masaya at successful ang pagdaraos ng closing ceremony at nasunod ng maayos ang protocols kontra COVID-19 na ipinatupad ng local government sa Beijing.

Dagdag pa ni Cuanggey, bilang isang volunteer naging positibo naman ang feedback ng mga atleta ukol sa pagoorganisa ng olympics ng China.