Inaasahang mas papalo pa ang mga kaso ng covid cases sa Hongkong kung saan mula sa record breaking na halos limang libong mga kaso ay umakyat pa ito sa anim na libong mga residenteng nahawaan ng naturang virus.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Marylou Bautista Borra na sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng naturang virus sa kanilang lugar.
Aniya malayo ang kanilang kasalukuyang sitwasyon nila sa mga nakalipas na buwan kahit pa may banta noon ng covid variant na delta kung saan ay nagluwag ang pamahalaan dahil sa “zero-Covid” nito.
Tuloy-tuloy din umano ang ginagawang hakbang ng kanilang pamahalaan kung saan ay pinplano na ang mandatoryong covid testing sa lahat ng mga residente.
Magtatayo na rin ang gobyerno ng 10,000 isolation unit sa dalawang bagong pasilidad ng komunidad, sa tulong ng China.
Sa ngayon ang mga quarantine facilities ay umabot na sa kapasidad at ang mga kama sa ospital ay higit sa 95 porsyento na puno kung saan pawang mga matatanda ang nahahawaan.