Humigit-kumulang 200,000 mga tahanan sa Britanya ang wala pa ring kuryente matapos manalasa ni Bagyong Eunice sa bahagi ng Britanya.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Remedios Dorio mula sa Netherlands na milyun-milyong tao ang hinimok na manatili sa bahay , habang ang bagyo ay nagdulot din ng malawakang pagkaantala sa transportasyon, kabilang na ang ng mga biyahe.

Pagsasaad naman nito na sa kasalukuyan ay natanggal naman umano ang alert level system sa kanilang lugar at inaasahang maibabalik ngayong araw dahil sa banta pa rin ng malakas hangin na dala ni Bagyong Eunice.

--Ads--
TINIG NI REMEDIOS DORIO

Hindi naman bababa sa 16 na tao ang napatay habang inukit ni Storm Eunice ang isang nakamamatay na landas sa buong Europa.

Naiulat ang mga pagkamatay sa Belgium, Netherlands, Germany, Poland, Irish Republic at UK.

Inaasahan naman umanong magbabalik normal ang kalagayan sa kanilang lugar sa mga susunod na araw.