Maituturing na paglabag sa batas ang pagpasok ng mga personnel ng comelec sa isang pribadong compound na walang search warrant at baklasin ang tarpaulin ng isang kandidato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Atty. Joseph Emmanuel Cera isang constitutional lawyer sa lalawigan ng Pangasinan, kabilang sa mga maaaring malabag dito ay freedom of expression at freedom of speech, maliscious mischief at tresspassing sa private property.
Aniya, maaring sampahan ng kasong administratibo ang sinumang nagsira ng nasabing tarpaulin.
Sa kanyang posisyon, dapat sumunod ang mga kandidato sa akmang sukat na 2 x 3 na pinakamalaki pero hindi maaaring pigilan ang mga indibiduwal na hindi kandidato na magkabit ng malalaking tarpaulin bilang suporta sa kanilang kandidato.
Pero labag na sa batas kung ang isang kandidato ay maglalagay ng malalaking mga poster o tarpaulin sa mga pampublikong lugar.
Dagdag pa ni Atty. Cera, mas lalong hindi puwedeng makialam ang mga police sa pagbabaklas ng mga campaign materials sa mga private property.
Giit pa niya na dapat dumadaan sa due process ang lahat at hindi puwedeng basta basta magtatanggal dahil puwede namang kausapin muna ang may -ari ng private property na ang ikinabit na tarpaulin ay hindi angkop sa rules.