Pagbabalik ng makasaysayang papel Russia bilang isa sa mga makapangyarihang bansa
Ito umano ang nakikitang pangunahing dahilan ni Russian President Vladimir Putin sa patuloy na panggigipit sa Ukraine ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera.
Aniya, nakatuon si Putin sa pagbabalik parangal ng bansang nasasakupan nito kaya’t hindi ito pumapayag na mapabilang sa NATO ang mga bansang naging bahagi ng Soviet Union.
Malinaw umano ang hangarin nito na hindi dapat magexpand ang NATO at hindi dapat mapabilang ang Ukraine dito, ito umano ay magiging banta sa pambansang seguridad at integridad ng Russia
Matatandaang ang Ukraine at Russia ay bahagi ng Soviet Union, kung saan noong 1991 ay nabuwag ito at nagkaroon na ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa.
Gustong rin umanong maipakita ng Russia na ito ay malakas na alyansa sa China at hindi lamang Amerika ang may kapangyarihan sa mundo.
Makikita rin umano ang pagnannais ni Putin na maging ‘upperhand’ sa nangyayaring girian kaya hindi umano nagiging madali ang pag-atake nito sa Ukraine.
Inaasahan naman umano na magkakaroon muli ng paggalaw sa pwersa ng Russia pagkatapos ng Beijing olympics.
Hiling naman nito ang panalangin ng mga tao sa mundo na magpatuloy pa rin ang diplomasiya dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng isang malaking kaguluhan.