May mga nakikita na ang tanggapan ng COMELEC-Pangasinan na may ilang mga national candidates na lumabag sa panuntunan sa mga campaign materials sa lalawigan.

Ayon kay COMELEC-Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, sa kanilang pag-iinspeksyon sa mga pangunahing lugar sa probinsya ay may mga napansin na silang mga kandidato na lumalabag sa mga panuntunan sa pangangampanya at kadalasan ito ay ang hindi pagsunod ng mga ito sa tamang pagkakabit ng mga campaign posters at kung minsan ay lumalagpas na ito sa standard size.

Aniya, dahil dito pinadalahan na ng notice sa pamamagitan ng sulat ang mga lumabag na mga kandidato upang mabigay ang “benifit of doubt” at para sila na rin mismo ang mag-alis nito.

--Ads--

Madalas kasing dahilan ng mga ito na hindi sa kanilang galing ito at bagkus ay mula sa kanilang katunggali.

COMELEC-Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza

Kaya naman, kasabay nito nagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad ang kanilang matigil ang ganitong klase ng aktibidad.