Aarangkada ngayong araw ang pagbabakuna ng mga bata na edad 5-11 taong gulang sa Region 1.

Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, ang Medical Officer IV ng DOH region 1, kanyang sinabi na nakahanda na ang 17 na launching site para sa gagawing bakunahan sa nasabing age group.

Aniya, karamihan sa mga pagdarausan ng pagbabakuna ay mga pribado ang pampublikong ospital sa rehiyon.

--Ads--

Target ng kanilang tanggapan na mabakunahan ang nasa 731, 334 na kabataan.

Sa nasabing bilang, 469,396 dito ay mula sa Pangasinan, 27,192 sa lungsod ng Dagupan na isang chartered city, 102,618 sa La Union, 87, 860 sa Ilocos Sur, at 71, 460 sa Ilocos Norte.

Saad ni Bobis, karamihan sa mga 17 na pagdarausan ng naturang aktibidad ay mula sa lalawigan ng Pangasinan kabilang na rito ang: Region 1 Medical Center o R1MC, Condrado Estrella Medical Center sa bayan ng Rosales, mga district hospital sa Eastern at Western Pangasinan kabilang din ang lungsod ng Urdaneta, bayan ng Lingayen, Bayambang at lungsod ng Urdaneta na tanging LGU sa listahan.

Samantala, nilinaw din niya na ang Pfizer doses na ituturok sa naturang edad ay mas mababa kumpara sa ibang age group, dahil na rin sa kanilang body composition.