‘Kung hindi inately evil, hindi ito maituturing na isang crime involving moral turpitude.’

Ito umano ang nakikitang dahilan ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino sa kanilang naging basehan sa pagbasura ng disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa kanyang isyu ng hindi pagsusumite ng kanyang income tax return sa loob ng 4 na taon.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang constitutional lawyer sa lalawigan ng Pangasinan, dahil hindi umano inately evil ang tax evasion gaya na lamang ng mga kasong may kinalaman na rape, murder, theft at plunder ay hindi umano ito sapat na dahilan para sa disqualification.

--Ads--

Aniya, bagaman ang desisyon na ito ni Ferolino ay tinutuligsa ng marami gaya na lamang ni retired commissioner Rowena Guanzon, ngunit ang kaso naman na ipinupukol kay Marcos ay naabswelto na kaya samakatuwid ay hindi ito dapat umano na ituring na moral turpitude.

Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer

Saad ni Cera, kung sakaling ito ay iapela pa rin para sa motion for reconsideration posibleng iakyat na ito sa supreme court ngunit maaring pagkatapos pa ng eleksyon ito madidinig.