Pinaghahandaan na ng 77 pampubliko at pribadong mga paaralan sa Region 1 na napili bilang mga karagdagang eskwelahan na nominadong makibahagi sa expansion ng limited face to face classes.

Ayon kay Department of Education Region 1 Director Dr. Tolentino Aquino, ang naturang 77 paaralan ay magmumula sa pitong sangay ng mga paaralan sa region 1 at sa oras na magbaba ng Alert level status ay papayagan ng magsimula ang mga eskwelahan sa pagsasagawa ng in-person classes dahil tiyak naman na ang kahandaan ng mga ito.

Aniya, bago magsumite ng listahan sa mga nominated schools ay siniguradong nasunod ang mga interim guidelines at schools safety assesment tool na ibinaba ng Deped at DOH.

--Ads--

Saad pa ni Aquino, hinihiling din nila ang suporta ng ng mga lokal na pamahalaan at patuloy na patnubay ng DOH sa isasagawang limited face to face classes.

Department of Education Region 1 Director Dr. Tolentino Aquino

Bukod sa 77 paaralan ay pinaghahanda na din ang natitira pang higit dalawang libo na paaralan sa region 1 na target din maging nominado pa sa susunod na expansion ng limited face to face classes.

Samantala, tiniyak din ng opisyal na sasapat naman ang bilang ng mga vaccinated teaching and non-teaching personnel na makikibahagi sa nakatakdang in person classes sapagakat ito ay limitado pa lamang kaya inaasahan na hindi pa isang daang porsyento ng mga mag aaral ang makikilahok dito kaya malabong kulangin ang mga magtuturong guro.