Napakahalaga ng healthy lifestyle upang mapangalagaan ang ating puso.

Ito ang payo ni Dr. Jess Canto, dating director ng Region I Medical Center (RIMC)patungkol sa paraan upang maka-iwas sa iba’t ibang mga heart disease kasabay na rin ng padiriwang ngayong buwan ng pebrero ng Philippine Heart Month.

Ayon kay Canto, upang mapanatili na malusog at ligtas ang ating puso mula sa iba’t ibang mga maari nitong makaharap na sakit, kinakailangan na umiwas sa mga bisyo gaya na lamang ng paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, hindi pag-iiehersisyo at paglalakad, pagkakaroon ng healthy diet at pag-iwas sa junk foods, maaalat at matatabang pagkain at maging pag-iwas sa stress.

--Ads--

Mainam din ang pag-inom ng maraming tubig, at pagpapanatili ng balanseng diet.

Aniya, lubhang mapanganib ang pagkakaroon ng sakit sa puso at wala itong pinipiling edad o kasarian kaya mainam na habang maaga pa lamang ay magkaroon ng malusog na pangangalaga ng sarili nang sa gayon ay maiwasan na ang anumang komplikasyon sa ating mga puso.