Tinututukan ng gobyerno ng Cyprus ang mabilis na pagbabakuna sa mga bata sa gitna ng lumalalang kaso sa bansa nito ng COvid omicron variant.

Ayon kay Bombo International News Correspodent Ester Beatty na sa 99% na mga kasong naitatala ay Omicron covid.
Pagsasaad nito na malapit ng makamtam ang herd immunity sa naturang lugar kung saan ay nasa higit 85% na ng adult population ang fully vaccinated na.

Kaya puspusan na umano ang pagbabakuna sa mga bata na kung saan sa ngayon ay nanatili sa 42% ang mga batang naturukan na ng covid vaccine.

--Ads--

Aniya hindi rin umano severe ang mga sintomas na nararanasan ng mga Pilipinong nagkakasakit ng naturang virus dahil sila ay pawang mga bakunado na.

Mas strikto rin umanong iniimplementa ng kanilang pamahalaan ang ,mga health protocols kung saan ay iminumungkahi ng mga awtoridad ang paggamit ng mga medical masks.

Dagdag nito na karamihan din umano sa mga naidadatos na malalang kaso ay mga hindi pa nababakunahan kontra covid-19.