Aminado ang tanggapan ng Commission on Elections o Comelec na nagiging talamak na ang usapin ng vote buying/selling sa iba’t-ibang lugar tuwing sumasapit ang panahon ng eleksyon.

Giit ni Urdaneta Comelec Officer Atty. Nathaniel Siaden, marami ang dumudulog sa kanilang tanggapan upang iparating ng kanilang hinaing ngunit ang problema, wala namang matibay at sapat na ebidensyang maipakita.

Napakaimportante ayon kay Siaden ang mga ebidensyang maipi-prisenta kahit ito ma’y pictures o videos bipang suporta sa ilang mga akusasyon.

--Ads--

Paliwanag nito na hindi lahat ng nakikita, nalalaman o naririnig ay tinatanggap na lamang sa korte. Ebidensya ang laging hinahanap ng hukom upang tumayo ang isang kaso.

Urdaneta Comelec Officer Atty. Nathaniel Siaden

Dagdag pa nito na dahil sa hindi pa pormal na nag uumpisa ang campaign period, hindi pa nila sakop upang pagbawalan, sitahin at patawan ng election offense ang ilang aktibidad ngayon ng mga political aspirants.