Takot sa mabilis na paglipas ng oras at pambabatikos ng mga internet trolls.
Ilan ito sa nakikitang dahilan umano ng ilan sa pagkitil sa sariling buhay ni Miss Universe USA 2019 Cheslie Kryst matapos itong tumalon mula sa 29 floor ng kanyang tinitirahang building.
Ayon kay Bombo International Correspondent Isidro Madamba mula sa California, USA, nagkaroon ng koneksyon ang marami sa kanilang bansa matapos nilang mabalikan ang isang artikulo na kanyang isinulat noong March 4, 2021 para sa Allure, na may mga pahiwatig sa kanyang pagpapakamatay.
Batay sa kanyang isinulat na essay, ang pagpanaw ng naturang beauty queen ay maaring maiugnay sa edad na 30 na tila kinatatakutan niyang dumating.
Natanong umano niya sa nasabing artikulo ang ukol sa pagtanda at pagbilis ng oras.
Maliban pa rito, nabanggit din niya rito ang patungkol sa labis na pang-babash sa kanyan sa internet kaugnay na rin sa pagkwestyon sa kanyang pagkapanalo bilang Miss USA lalo pa umano at siya ay isang “woman of color”, musculine, at tanging talino lamang ang kanyang ibinandera, kumpara anila sa nakasanayang katangian ng mga prototype beauty queens.
Dagdag pa ni Madamba, matagal na rin umanong dumaranas ng depresyon si Kryst.
Sa kabila nito, marami ang hindi makapaniwala sa sinapit ni Kryst lalo pa at maliban sa pagiging beauty queen, isa rin siyang kilalang abogada na lumalaban sa social injustice, at isa ring Emmy award nominated television correspondent.