Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Labrador PNP hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek sa pagpaslang sa isang 65 taong gulang na dating Punong brgy sa barangay Bolo sa bayan ng Labrador matapos itong paulanan ng bala ng baril ng mga hinihinalang riding in tandem suspect.

Sa salaysay ni P/Capt. Dexter Tayaban, COP ng Labrador PNP, kinilala ang biktima na si Jovencio Dela Cruz, may-asawa at isang magsasaka.

Batay sa kanilang mga nakausap na testigo, kausap ng biktima ang kaniyang kaibigan ng mga sandaling iyon at nataong dumating din ang mga hinihinalang suspects na nag-panggap bilang bibili ng kawayan.

--Ads--

Nakipag-usap ang biktima sa mga suspects at sinabihan ang mga ito na hindi siya nagbibenta ng kawayan at pumunta na lamang sila sa sentro ng kanilang brgy. Matapos ang kanilang pag uusap, pagkatalikod ng biktima ay dito na siya pinagbabaril.

Nang magsagawa ng inspeksyon ang hanay ng Scene of the Crime Operatives o SOCO, narecover sa crime scene ang walong empty shell ng caliber 45 na baril.

P/Capt. Dexter Tayaban, COP ng Labrador PNP

Sa kanilang pakikipag ugnayan sa kaanak ng biktima, ayon sa kanila ay wala naman silang alam na kaaway ng biktima at sa katunayan, isa itong mabait na tao kahit pa noong nasa posisyon bilang lingkod sa kanilang brgy.