DAGUPAN, CITY—“Mugshot should not be release to the media unless if repeat offender.”
Ito ang naging pahayag ni PCol Richmond Tadina, ang Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office hinggil sa usapin ng paglalabas ng mugshot o ang larawan ng nahuhuling suspect sa isang kaso o krimen sa social media.
Ayon kay Tadina, hindi ibinibigay ng kapulisan ang mugshot ng isang alleged offender sa isang kaso sa mga kawani ng mamamahayag dahil para lamang ito sa kanilang dokyumentasyon at ilalagay sa kanilang rouge gallery.
Maliban na lang aniya, kung ang nasabing suspect ay repeat offender o paulit ulit na ginagawa ang krimen na kanilang ibibigay ang mugshot para mapabilis ang paghahanap sa suspect sa tulong ng media.
Ang mugshot ay tumutukoy sa pagkuha ng opisyal na larawan ng isang taong inaresto. Ang luyunin nito ay magkaroon ang mga alagad ng batas ng photographic record ng mga naarestong indibidyal para sa identipikasyon ng mga nabiktima nito at ng mga imbestigador.
Noong nakaraang araw, pinatawag ng Sangguniang Panlalawigan sa isang question hour ang pamunuan ng Pangasinan PPO para magbigay linaw sa mga ipinapatupad na protocols ng kapulisan sa paglalabas ng mugshot sa social media sa mga nahuhuling alleged offender.
Matatandaan na nag-ugat ang usapin ng mugshot ni Lolo Narding Floro sa bayan ng Asingan na umano’y inaresto dahil sa pamimitas ng bunga ng mangga na naging viral sa social media. (with reports from: Bombo Framy Sabado)