Ibang-iba na ang selebrasyon ng Chinese New Year sa Hong Kong buhat nang mangyari ang COVID-19 pandemic.

Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Marylou Bautista Borra mula sa nabanggit na bansa ukol sa paraan nila ng pagseselebra ng Chinese New Year.

Ayon kay Borra, buhat ng nagkaroon ng pandemya naging strikto at naging limitado na lamang ang pagsasagawa ng mga pagtitipon lalo na at tumataas muli ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

--Ads--

Kung dati ay nagkakaroon ng mga public viewing of fireworks, mga malalaking handaan, pagpunta sa mga bahay ng kamag-anak, at maging ang pagbisita sa mga templo.

Sa ngayon aniya ay maigting ang pagbabawal sa mga residente doon na magkaroon ng dine-in sa mga restaurants, at lalo na ang mga malalaking pagtitipon.