Higit 16 na milyong katao sa Amerika ang nasa ilalim ng ng winter weather alert kung saan pitong milyon ang nasa ilalim ng mga babala ng blizzard.

Sa pahayag ni Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr. nabalot ng makakapal na nyebe ang malaking bahagi ng East Coast..

Limang estado na rin ang nagdeklara ng emergency ilang oras bago sumabog ang malakas na niyebe at malakas na hangin ng bagyo sa lugar.

--Ads--

Dagdag nito na ang US East Coast ay nakakaranas ng unang malaking blizzard na tumama sa rehiyon sa loob ng apat na taon.

Nagbabala na rin umano ang awtoridad sa pagpapatuloy ng nararanasang malamig na temperatura dahil sa patuloy na pagdaan ng bagyo na pinangalanang Nor’easter na tumama sa mga bahagi ng New York at Massachusetts na nagdulot ng malalakas na pagbagsak ng nyebe.

Nasa halos 6,000 US flight na rin umano ang nakansela.

Bombo International News Correspondent Isidro Madamba Jr.

Dagdag ni Madamba na kinakailangan ang maigting na pag-iingat kasunod ng mga naitatalang aksidente sa mga kakalsadahan kung saan naidatos ang pagkasawi ng anim na katao dahil sa banggaang ng mga sasakyan sa Florida.