Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Taal sa Batangas dahil sa mataas na antas ng sulfur dioxide o asupre na ibinubuga ng bulkan.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr ., inaasahang magtutuloy-tuloy ang mga aktibidad ng bulkang taal kabilang na ang paglalabas nito ng mga gas na kung kaya’t inirerekomenda nila ang pagsusuot ng face mask upang maiwasan na malanghap ito.

Dagdag nito na kinakailangang makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga local government units para sa evacuation procedures upang maging handa sa posbleng pagsabog ng naturang bulkan.

--Ads--

Aniya hanggang sa ngayon ay itinaas sa alert level 2 ang status ng bulkan kung saan ay wala pa umano silang ibinababang anunsyo para sa malawakang paglikas ng mga residente.

PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr .

Matatandaan na kahapon ang naturang bulkan ay nakapagtala ng 9 na maliliit na phreatomagmatic na pagputok kung saan ang naturang pangyayari ay maikli lamang na tumagal ng sampung segundo hanggang dalawang minuto.