DAGUPAN, CITY— Nagpapasalamat ang mga kaanak ng 80 anyos na lolo na inakusahang nagnakaw ng mangga sa bayan ng Asingan dahil sa pagdagsa ng maraming mga tulong sa kanya matapos ang pag-viral nito sa social media.
Ayon kay Chonalyn Flores, isa sa mga pamangkin ni Lolo Narding Floro, may mga nagpaabot ng groceries at tulong pinansyal sa kanyang tiyuhin.
Aniya, gustong gusto na umano noon na umuwi ng naturang lolo at masayang-masaya umano si Lolo Narding na nakauwi na ito sa kanilang bahay at nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya.
Kwento umano ni Lolo Narding, nasa visiting area lamang ng Asingan PNP siya namalagi at inalagaan umano siya ng mga pulis sa kanyang ilang araw na pamamalagi roon.
Matatandaang pinag-usapan ang naging kalagayan ng nabanggit na lolo sa social media matapos itong kasuhan matapos na inakusahan ng pangunguha ng humihit kumulang 10 kilong mangga.