Nagpasa ng isang resolusyon ang mga kasapi ng Sangguniuang Bayan ng Mangaldan na sumusuporta kina Cagayan Economic Zone Authority o CEZA Chief Sec. Raul Lambino at sa asawang si Mangaldan Mayor Marilyn Lambino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay councilor Joseph Emmanuel Cera, membro ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan at constitutional lawyer sa lalawigan ng Pangasinan, laman ng nasabing resolusyon na sumusuporta at iginigiit na mabubuting tao ang pamilya Lambino.

Sinabi ni Cera, nagkakaisa sila sa paniniwala sa pagiging matapat ni sec Lambino bilang CEZA chairman, bilang mabuting professor sa University of Pangasinan at bilang mahusay at mabuting abogado.

--Ads--

HIndi sila naniniwala na magagawa ni sec. Lambino ang mga aligasyon na panghahalay sa isang menor de edad at sa paratang naman sa asawang si mayor Lambino na inakusahan ng pananakit sa kanilang mga dating kasambahay.

Giit ni Cera na naniniwala sila sa integridad ng pamilya Lambino, walang sala, walang masamang ginawa at sila ay mga desenteng tao .

councilor Joseph Emmanuel Cera, membro ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan

Dagdag ni Cera na may post na picture si Bantayan punong barangay Richie Abalos na noong January 3, 2019 ay magkakasama sila ni sec. Lambino sa lungsod ng Baguio taliwas sa aligasyon na nangyari ang panghahalay sa Quezon city sa nasabing petsa.

Ito pa lamang na pagkakamali ay hindi na dapat aniyang paniwalaan ang nasabing aligasyon.

councilor Joseph Emmanuel Cera, membro ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan