Umaasa ang Commission on Elections na magtutuloy tuloy ang maayos na pagsasagawa ng mga comelec checkpoints at kasabay din ng implementasyon ng gun ban sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, simula ng mag umpisa ang pagpapatupad ng mga ckeckpoints bilang parte ng paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa buwan ng Mayo, wala pa namang halos nakikitang mga problema at reklamo sa publiko maliban na lamang sa ilang mga nasisita dahil
Sa mga various violations ngunit sinisigurado naman na agad na iisyuhan ang mga ito ng ticket sa kanilang mga paglabag upang magsilbi na din bilang warning sakanila na hindi na ulitin ang kahalintulad na mga paglabag.
Dagdag ni Salas, maigting din niyang pinapaalalahanan ang bawat nagsisilbing comelec officers sa probinsiya na panatilihin ang close coordination sa kanilang katuwang sa pagpapatupad ng mga alituntunin na ito lalo na at sila din ang responsable dito bilang mga chairman ng kanilang mga comelec offices.
Paalala naman ng COMELEC Pangasinan sa mga nagsasagawa ng checkpoint na gawin lamang ang “plain view search” sa mga dadaan sa checkpoint dahil base sa guidelines ay hindi na kinakailangan na halughugin ang mga sasakyan.
Samantala, natutuwa naman umano ang kanilang tanggapan dahil maganda ang nakikitang feedback at pagsunod ng publiko sa pagpapatupad ng naturang mga paghihigpit at umaasa na maging maayos parin hanggang sa pagtatapos ng eleksyon sa buwan ng Mayo ngayong taon.