DAGUPAN, CITY— Inihayag ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) na kinakailangan nang i-file ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Customs ang kasong economic sabotage para mahuli na ang mga indibidwal na sangkot sa pagpapasok ng smuggled agricultural products sa bansa.


Ayon kay Engr. Rosendo So, ang Chairman ng SINAG, nararapat lamang umano na ito ay gawin ng mga nabanggit na ahensiya sapagkat ito ay malinaw na isang uri ng economic sabotage on smuggling agricultural products.


Aniya, isa rin sa nakikita nilang problema sa pagsugpo sa naturang problema ay ang hindi umano pagsunod sa nakasaad na batas sa pag-iinspeksyon ng mga dumadating produkto sa bansa na nakalagay naman umano sa ilalim ng Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 2013.

--Ads--


Dapat din umano ay may record na ang Department of Agriiculture (DA) at customs para makita ang mga produkto na pumapasok sa bansa at suriin na ito agad.


Lumalabas daw kasi sa isang pagdinig senado na inamin ng customs na tila “bukas-sardo-labas” sila sa pagtingin ng mga produkto at sa 2nd border na lamang nila chinecheck ang mga ito kaya malaki ang bilang ng nakakalusot sa kanilang record.


Dagdag pa rito, kung patuloy ang talamak na smuugling ng mga agricultural products sa bansa ay ito umano ang unti-unting papatay sa mga local farmers sa Pilipinas.