DAGUPAN, CITY— 23 katao na sa lalawigan ng Pangasinan ang na-biktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.


Ayon kay PLt. Col. Ferdinand de Asis, ang Public Information Officer at Deputy Provincial Director for Operations ng Police Provincial Office Pangasinan, karamihan sa mga nabanggit na indibidwal ay nagtamo ng mga minor injuries at karamihan sa kanila ay gumamit ng mga ipinagbabawal na mga paputok gaya na lamang ng boga, kwitis, at judas belt.


Aniya, nasa 13 mga bayan at munisipalidad galing mga biktima ng paputok, at sa nasabing bilang, 10 dito ang mga bayan at 3 naman ng mga lungsod sa probinsya.

--Ads--


Nanguna ang bayan ng Malasiqui sa bilang ng mga nabiktima ng paputok na nasa 4, habang pare-parehong nakapagtala ng tig-3 insidente sa bayan ng Manaoag, Asingan, at lungsod ng Urdaneta.


Bukod sa firecracker related injuries, wala naman umanong mga major incidents ang naitala sa lalawigan sa pagsulubong ng bagong taon. (with reports from: Bombo Maegan Equila)