Isang Dagupeño artist ang nagbigay ng karangalan dito sa ciudad matapos makatanggap ng 2021 Endowment Awards sa kategoryang visual arts sa Canada.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Dagupeño artist na si Patrick Fernandez, pangalawang award na niya ito ngayong taon.
Sinabi ni Fernanfrz na ang kanyang visual arts ay tungkol sa kuwento ng mga OFW at mga struggle ng mga Filipino workers.
Paglalahad niya ma ito ay personal life stories na nirerelate sa mordern setting upang makarelate ang audience.
Samantala, may mga nakatakda pa niyang exhibition na gaganapin naman sa New York, California, USA at Alberta, Canada sa susunod na taon.
Si Fernandez ay isang visual artist na mula sa Brgy. Pantal at nakatira na ngayon sa Canada.
Ang Saskatchewan Foundation for the Arts ay nakatuon sa pagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga artist sa Saskatchewan, Canada.
Bawat awardee ay mabibigyan ng $5,000 para sa kanilang mga proyekto.
Noong Setyembre, nakatanggap din si Fernandez ng Emerging Artist Grant mula sa Saskatchewan Arts Board para sa kanyang 2022 Exhibition Tadhana sa Weyburn Art Council.