Wala ng buhay nang matagpuan ang labi ng isang 40-anyos na driver nang ito ay makitang nakabigti sa kanilang tahanan sa Brgy. Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.
Saad umano ng nanay ng biktimang hindi na pinangalanan, dumaranas ito ng matinding pananakit ng ulo dahil sa problema nito sa pandinig at kahirapan sa pagtulog.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umiinom umanong mag-isa ang biktima gaya ng lagi niyang ginagawa gabi-gabi bago ito makita ng kaniyang ina na may hawak na nylon cord paakyat ng kanilang bahay.
Sinita ito ng kaniyang nanay at kinuha ang naturang tali at itinago ito.
Ngunit dakong 10:30 ng gabi ay nakita na lamang ng kaniyang nanay na nakabigti na ang kaniyang anak sa loob ng kanilang kwarto.
Napuntahan pa umano ito ng RHU medical staff ngunit sa kasawiang palad ay idineklarang na itong dead on arrival.