Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga tornadoes sa ilang bahagi ng central at southern US.

Ito ang nabatid sa panayam ng bombo radyo dagupan kay Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera, sa America matapos ang naturang insidente.

Aniya kasalukuyan ngayon ang pagkilos ng gobierno upang matulungan ang biktima at ginagawang paghahanap sa mga biktima at pag-aacount sa pinsalang idinulot nito.

--Ads--

Inilarawan naman ni Valera, na mistulang warzone ang dinaanan ng mga tornadoes sa anim na estado na naapektuhan nito.

Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera

Samantala, inihayag naman ni Valera, na kahit na nagkaroon ng paunang babala sa mga residente, naging mabilis ang pangyayari na iniuugnay ngayon sa climate change.

Bukod pa aniya ito sa pagkakaroon ng ilang hindi nais na sumunod sa babala.

Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera

Una rito, nasa 30 tornadoes ang nai-report sa anim na states. May lawak ang mga ito na 200 miles mula Arkansas hanggang Kentucky.