Patuloy na bumababa ang admission rate ng tinatamaan ng COVID-19 ng Region 1 Medical Center o R1MC dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Dr. Noel Manaois, Vice-chairman ng One Hospital Command Center ng R1MC, sa ngayon ay nasa 13 Covid-19 Patient ang meron sila sa nasabing ospital kumpara sa higit 200 na pagdagsa noon. Aniya, nagsimula ang pagbaba na ito noong 2nd week ng Oktubre.
Ayon kay Manaois, naniniwala silang epektibo ang ginawa nilang Command Center, kung saan nagkaroon sila ng sistema na ang dadating na pasyente ay mayroong magiging higaan dahil sa biglaan nalang nilang pagdating.
Gumawa din aniya sila ng communications sa bawat Rural Health Physician, District at Provincial Hospital kung saan dadaan muna sila sa command center nila.
Ayon kay Manaois, ang mga Moderate to severe na pasyente ang tinatanggap nila sa R1MC habang sa LGU naman ang mga asymptomatic. Aniya, maayos ang koordinasyon nila sa LGU at naiintindihan nila ang proseso sa pag admit ng covid-19 patient dahilan upang matugunan ng maayos ang mga pasyente.
Samantala, kinumpirma naman ni Manaois na nakapagsagawa na rin sila ng pagpupulong may kaugnayan sa bagong covid 19 variant na Omicron.
Paalala nito sa publiko na magingat pa rin at huwag lumabas lalo kung hindi kailangan.