Paiigtingin pa lalo ang mga border checkpoints dito sa lalawigan ng Pangasinan at iaalerto ang mga ospital kaugnay sa panibagong covid variant na omicron.

Ayon kay Board member Ajerico Ming Rosario, chairperson ng Committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan, napag usapan sa kanilang on line session na muling ipapatawag ang local ITF upang malaman ang kasalukuyang situwasyon ng covid sa lalawigan at ano ang kanilang ginagawang measures upang malabanan ang nasabing virus.

Muling nagpalala si Rosario na sumunod pa rin ang publiko sa mga basic health protocols para sa kanilang kaligtasan.

--Ads--
4th District Board member Ajerico “Ming” Rosario

Samantala, halos maabot na umano ang 70 percent na target na populasyon na mabakunahan.

Tumaas aniya ang acceptance rating sa bakuna.

Marami nang nalinawan sa magandang dulot ng bakuna kaya pila pila ang mga nagpapabakuna ngayon sa ginagawang vaccination drive ng pamahalaan.

4th District Board member Ajerico “Ming” Rosario