Mas paiigtingin nila ang pagbabakuna dito sa lalawigan ng Pangasinan sa vaccination day na magsisimula ng Nov. 29 hanggang December 1.

Ayon kay Provincial Health officer Dra. Ana Maria Theresa de Guzman, nakipag-ugnayan na ang PHO sa kanilang mga local health partners at pribadong upang paramihin ang vaccination center sa kani kanilang lugar.

Pinag-uusapan na rin ang posibleng pagbubukas ng mga ospital para magbakuna at magdagdag ng mobile team na pupunta sa mga barangay.

--Ads--

Layunin ng nasabing hakbang na ang mga natitirang bilang na hindi nababakunahan sa 70 percent na target ay mapabakubahan sa tatlong araw na vaccination program ng pamahalaan.

Hangad nilang mabakunahan ang isang daang libo sa isang araw.

Provincial Health officer Dra. Ana Maria Theresa de Guzman

Nanawagan si de Guzman sa lahat ng mamamayan sa lalawigan na tangkilikin ang tatlong araw na vaccination day. Nagpaalala rin siya sa lahat ng mga hindi pa bakunado na baka sa darating na panahon baka hingin na rin ng mga malls na ang lahat ng kliyente o customer nila magpakita ng vaccination card.

Binigyang diin ni de Guzman na maaaring pagmulan kasi ng infection ang mga taong hindi pa bakunado.