Ikinagagalak ng mga Pangasinense ang unti unting pagluwag ng restriksyon sa lalawigan kung saan sa pagsasailalim ng alert level 2 sa Pangasinan ay pinapahintulutan na ang pagsasagawa ng no contact exercise tulad ng zumba.
Ayon kay Zin Jhonz De Guzman na isang zumba dance fitness instructor sa lungsod ng Dagupan malaki aniya ang maitutulong para sa kanilang hanay na mapayagan na ulit na makapag operate.
Pagsasaad din nito na maraming benepisyo ang maaaring makuha sa ganitong klase ng ehersisyo partikular na sa pagpapabuti ng mental health ng isang tao.
Matatandaang mismong si presidential spokesperson ang nagpahayag na pinapahintulutan na ang pagsasagawa ng zumba nitong Biyernes at pinapayagan na ang pagbubukas sa mga gym at iba pang fitness venues sa Metro Manila at iba pang lugar sa ilalim ng alert level 2, ang pangalawa sa pinakamababang restrictive alert level.
Dagdag ni De Guzman dahil sa nangyaring pandemya idinaraos na lang virtually ang kanilang mga zumba sessions.
Sinabi rin nito na nasa 60% ang bilang ng mga lumalahok sa kanilang aktibidad dahil umano sa takot pa rin ng ilang mga tao na lumabas ngayong mayroon pa ring naitatalang kaso ng Covid-19 virus.