Hati ang opinyon ng Estado Unidos sa ibinabang hatol na ‘not guilty’ sa isang binatilyo na bumaril at nakapatay sa dalawang lalaki sa nangyaring racial unrest noong nakaraang taon sa Wisconsin USA.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Estela Fullerton na nagsasagawa ng mga protesta ang ilang mga hindi sumasang-ayon sa naging paglilitis sa labingwalong taong gulang na si Kyle Rittenhouse.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay inamin ni Rittenhouse ang pagbaril kay Joseph Rosenbam, tatlumput anim na taong gulang at Anthony Huber, edad dalawamput anim, at nasugatan si Gaige growskroyts, na may edad dalwamput walong taong gulang, ngunit pinanindigan niyang ginawa niya ito bilang pagtatanggol sa sarili o self-defense
Aniya sa ngayon ay kinakailangan ang mas mahigpit na seguridad sa naturang binatilyo lalo na at marami ang galit sa naging desisyon ng korte.
Malaki ang naging ambag sa pag-amin ni Grosskreutz na kaniyang tinutukan ng baril si Rittenhouse bago pa man paputukan ng baril ng binatilyo ang mga biktima.
Aniya malaki ang isyu ng racism dahil na rin sa lahat ng mga sangkot ay mga white Americans.
Ang dating police youth cadet ay acquitted sa dalawang bilang ng intentional homicide, isang count ng attempted homicide at two counts of recklessly endangering safety.