Ikinababahala ng mga residente sa bayan ng Asingan ang pagsalakay ng mga libo libong rice black bug.

Ayon kay Petter Torres, residente sa Barangay Palaris sa naturang bayan na magiisang linggo na umano nilang nararanasan ang pagatake ng mga naturang insekto.

TINIG NI PETTER TORRES

Idinaraing din nila ang mabahong amoy na dinadala ng mga insekto at dahil na rin ito ay nakapagdadala ng pangangati sa mga balat.

--Ads--

Iba’t ibang paraan naman ng pagpatay sa mga ito ang isinasagawa ng mga residente kabilang na ang pagsusunog dito.

Aniya apektado rin ang ibat ibang mga barangay partikular na sa mga lugar ng Calepaan, Toboy, Coldit at ilang pang mga lugar na malalapit sa bukid

Dagdag naman nito gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture upang tuluyang masugpo ang naturang insidente sa pamamagitan ng mga biological insecticide na siyang pumupuksa sa mga peste.

Hinihikayat naman ng mga agriculturist ang mga magsasaka sa naturang bayan ang sabay sabay na pagtatanim.