Posibleng masundan pa ang nangyaring mini bus bombing sa Kabul, Afghanistan.
Ito ang inihayag ni Bombo International News Correspondent Joel Tungal, mula sa Afghanistan, matapos ang naturang insidente na ikinasawi ng dalawang katao.
Aniya, asahan na ang mga susunod pang pag-atake dahil sa presensya ng ISIS na kalaban ng mga Taliban na siyang nagsisilbi ngayong tagapamalakad ng bansa matapos nila itong makubkub mula sa Gobierno.
Inihayag naman ni Tungal na kahit pa mahigpit ang ipinatutupad ng mga Taliban sa kabisera ng bansa na Kabul, maaari parin silang malusotan dahil sa dami ng tao doon na sila naman aniyang nagsisilbi mga soft target ng mga ISIS.
Kayat asahan narin aniya na pawang mga sibilyan ang maitatalang mga casualty.
Bagamat sa kabila nito ayon kay Tungal, wala pang grupo ang umaako sa insidente at patuloy parin ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad.