Hindi na kailangan ang S-Pass sa pagpasok ng mga travellers dito sa lalawigan ng Pangasinan alinsunod sa inilabas na executive order ni Pangasinan governor Amado Espino.
Ayon kay PLt. Col. Ferdinand De Asis, public information officer ng PPO Pangasinan, ang kailangan lang ipakita ay valid ID at vaccination card.
Gayunman kahit nagluwag na ang mga border control ay maghihigpit pa rin sila pagpapatupad ng safety health protocols.
Samantala, sa mga turista, kailangan pa rin silang magparehistro alinsunod sa utos ng Department of Tourism.
Samantala, maaaring maghigpit at magrequire muli ng S-pass o ibang dokumento sakaling tumaas muli ang covid case sa lalawigan.
Hinahanapan pa rin ng Spass ang mga travellers na manggaaling sa mga lugar na may matatas na alert level.
Dagdag ng opisyal, wala pang nahuhuling nagpakita ng pekeng vaccination card dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya, lahat ng border checkpoint ay binigyan ng direktiba na kung may magpapakita ng vaccination card ay agad nilang iberipika sa page ng DOH.
Nakatala sa page ng DOH ang lahat ng vaccinated person kaya hindi puwedeng dayain.