DAGUPAN, CITY— ‘Itigil na muna ang importasyon ng mga manok at mas pag-igtingingin ang first border inspection upang mapigilan ang pagpasok ng H5N6 subtype ng avian influenza sa Pilipinas.’

Ito ang pahayag ni Engr. Rosendo So, ang chairman ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) matapos mapaulat ang pagkaroon ng outbreak nito sa ilang mga bansa sa Asya at Europa.

Ayon kay So, upang hindi rin maapektuhan ang local industry ng poultry sa bansa mula sa pagkalugi, ay kinakailangan na matigil muna ang pag-aangkat.

--Ads--

Aniya, sapat pa rin naman ang suplay ng mga manok sa storage facilities kaya hindi na umano kailangan na umangkat pa ng bansa dahil maaring dito rin makapasok ang naturang virus na maaring umubos sa anumang klase ng ibon sa bansa.

Muli ding ipinunto ni So ang pagkakaroon ng first border inspection sa bansa upang masiguro na ligtas naman ito para sa mga consumers.

Aniya, noon pang 2019 nila ipinapanawagan ang pagtatayo ng unang border inspection facilities sa bahagi ng Subic ngunit hanggang sa ngayon at hindi pa rin naisasakatuparan.

Kaya naman panawagan ni So sa pamahalaan na gawin ang naturang hakabang para sa local industry ng poultry at para na rin kaligtasan ng publiko mula sa possibleng human transmission ng nabanggit na sakit.

Sa ngayon kasi nasa 21 human infections na ang naitala sa China, naiulat rin ang outbreak sa isang farm sa South Korea na may 770,000 poultry, gayundin sa isang poultry farm sa north-east ng Japan, at gayundin sa Norway na may outbreak na rin sa nasa 7,000 ibon sa Rogaland region.