Pumasa na sa Committee Level ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Proposed Annual Budget para sa 2022 na nagkakahalaga ng mahigit P6 billion pesos (6,063,096,898 pesos)

Ayon kay vice governor Mark Lambino, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan, mas mataas ng P1.3 billion ang panukalang budget kung ikumpara sa budget noong nakaraang taon dahil sa mandanas rulling.

SInabi ni Lambino na matapos maipasa sa committe level ay ipapasa sa plenary at pag nakapasa rito ay tuluyan nang maaprubahan.

--Ads--

Gagamitin ang nasabing pondo para sa iba-ibang programa, proyekto at aktibidad ng Lokal na Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa susunod na taon.

Iniulat din ng bise governador na tumaas ang alokasyon ng pondo sa health kaya ibig sabihin ay tataas din ang sweldo ng mga medical workers.

vice governor Mark Lambino

Naging makasaysayan ang budget para sa susunod na taon dahil sa unang taong implementasyon ng Mandanas Ruling ng Korte Suprema, kung saan ipapatupad ang full devolution sa mga lokal na pamahalaan.