Nakakagulat umano ang naging disisyon ni Davao city mayor Sarah Duterte na nakipag alyansa kay dating senador Bong Bong Marcos.

Ayon kay prof. Anthony Baliton, political analyst sa lalawigan ng Pangasinan, ang kanyang ama ang siyang komokontrol sa disisyong pulitika ng kanyang mga anak.

Pero sa naging hakbang ni mayor Sarah ay nagpapakita na may sariling disisyon pagdating sa pulitika. Para manalo ang kanilang tandem ay dapat sinusuportahan nila ang isat isa.

--Ads--

Hindi isinasantabi ni Baliton na maaaring may tampuhan ang mag ama o may hindi pagkakaintindihan sila. Mahirap basahin aniya ang
baka biglang magdisisyon si Mayor sarah na suportahan na lang niya si Bong Go. masamang pangitain sa pulitika dahil mistulang napaglalaruan ang mga Pilipino ng mag ama sa kanilang disisyon.

Para mamintina ang integridad ni mayor Sarah ay dapat pangatawanan ang kanyang disisyon.

Prof. Anthony Baliton, political analyst sa Pangasinan

Samantala inihayag naman ni Baliton na maganda kung maamiendahan ang umiiral na panuntunan sa substitution.

Ayon kay Baliton, kailangan na seryosohin ang electoral process sa bansa .

Sa umpisa pa lamang ay dapat ipakita na ng isang kandidato ang malinaw na intensyon sa pulitika.

Sinabi nito na kaya tayo ay nagiging katawa tawa sa buong mundo at ang tawag umano ng international community ay mistulang circus ang pulitika sa Pilipinas dahil maraming payaso at mapagpanggap na pulitiko sa bansa.

Prof. Anthony Baliton, political analyst sa Pangasinan